DAHIL pa rin sa umiiral n Shear Line o buntod ng Frontal System, naitala ang malalaka na pag-ulan sa ibat’t ibang bayan sa Bicol.
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nagpapatuloy ang ang malalakas na ulan at baha sa malaking bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga apektado ng Shear Line o makapal na ulap ang Albay, Sorsogon, Masbate, Aklan, Capiz, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Matatandaang kahapon ay nakaranas na rin ng baha sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro, Camarines Norte at mga karatig na lugar.
Wala namang nakikitang bagyo o kahit low pressure area (LPA) na malapit sa ating bansa.