BINALAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Bicol at Eastern Visayas region na posibleng bahain bunsod ng malakas na pag-ulan.
Sa advisory ng weather bureau, may orange rainfall warning sa Northern Samar na senyales ng ng matinding ulan at baha na nararanasan sa nasabing probinsya.
Katunayan, may mga kalsadang hindi na halos madaanan ng maliliit na sasakyan.
Habang may yellow rainfall warning naman sa lalawigan ng Sorsogon.
Kahapon ay nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal Number sa buong Luzon habang tinaya rin na magla-landfall sa Aurora-Isabela area ang bagyo.
Sinuspinde rin ang klase sa Metro Manila at iba pang lugar sa Region 4-A gayundin sa Pangasinan at iba pang lugar sa Northern Luzon.
Samantala, kabilang din sa posibleng tamaan ay ang parte ng Region 1 maging ang Cordillera Administrative Region. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.