BICOL VOLCANOES HUMAHATAW SA MPBL

on the spot- pilipino mirror

MAGIGING panauhin ngayong araw sa lingguhang forum ng Tabloid Organization in Philippines Sports (TOPS) sa National Press Club, 10 a.m., ang kampo ng Bicol Volcanoes na nakakaapat ng sunod na panalo na sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Pangungunahan nina Bicol Volcanoes president Gil Orense at vice president Mark Tan, kasama ang team’s major backers, LCC Department Store president Ed Ponce at LCC Supermarket head Eric Poiret, ang mga panauhin. Also joning the weekly sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Gu­yabano Tea Leaf Drinks si Bikol assistant coach Ronnie Dojillo at ang ilan sa players ng team na sina  ex-PBA star Ronjay Buenafe, Chris Lalata at Jerome Garcia.



How true kaya na ang player na ito, kapag nakabalik sa paglalaro ay posibleng sa ibang team na mapunta. Mukhang ipinamigay na ang basket-bolista sa ibang koponan. Pero ang tanong ay sino ang kapalit niya, sino ang ibibigay ng team na may interest sa kanya? Sana sa pagbabalik ni player ay magbago na ang kanyang ugali, lalo na sa hadcourt. Para rin naman ito sa kanyang career at sa kanyang pamilya. Mabait naman ang basketbolista, oks naman ang laro niya, hindi lang naiintindihan ng karamihan ang pagi­ging physical ng laro nito. Abangan na lang natin kung saang team siya sa kanyang pagbabalik. Good luck!



PAHABOL: Happy 50th birthday to my husband, EDWIN MANUEL Wishing you  good health and long life.

Comments are closed.