BICOL VOLCANOES NAG-AALBURUTO

on the spot- pilipino mirror

TULAD ng bulkang Mayon na nakatago ang tapang sa kayumihan, handa ang Bicol Volcanoes – pinakabagong koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup – na mag-alburuto para mag­lagablab na walang pinipiling panahon at pagkakataon.

“Bicol is famous for volcanoes and we feel tamang-tama ito as monicker for the team – fierce and hot, anytime puwedeng mag-explode,” pahayag ni team owner/president Gil Orense, sa special edition ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) noong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Orense na bilang isa sa bagitong miyembro ng liga, handa silang makiayon sa sistema at hahayaang madevelop ang kanilang players – karamihan ay homegrown talents – sa kanilang adhikain na abutin ang mataas na level ng basketball career.

“Very modest lang ang target namin, of course we believe in Cinderella finish, but right now, hindi namin binibigyan ng pressure ang mga player. Kung ano ang kaya nilang gawin at abutin, doon muna kami. Anyway, ang main purspose namin when we decided to put up a team ay tulungan ang mga kabataan at mga player na hindi nakalaro sa PBA na maituloy ang kanilang pangarap,” sambit ni team co-owner at vice president Mark Tan.

Sa suporta ng LCC Superstores, pinakamalaki at may pinakamaraming retail outlets sa buong Bicol region, matikas na nakikipagtagisan ng lakas at galing ang Volcanoes, na pinadapa ang Valenzuela kamakalawa ng gabi, sa Batangas City. May 5-2 marka ang koponan sa North Division.

“We owed it to LCC Superstores management. Kung hindi sa tulong nila, baka hindi na­tuloy ang pagsali namin sa MPBL,” ani Tan.

Sa naturang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Community Basketball Association (CBA), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, pormal ding sinelyuhan ang partnership ng Bicol Volcanoes at LCC Superstores sa palagda sa   Memorandum of Agreement (MOA).

Lumagda sa MOA sina LCC Department Stores president Ed Ponce,  LCC Supermarkets president Eric Poiret at  VP for Operations Christian Tan.

“This partnership is part of LCC’s CRS program. We believe that LCC’s mission and vision is aligned with the Bicol Volcanoes battle cry. We have a lot of talents here in Bicol. We hope that this partnership will help in our quest to tap and develop future cage superstars,” pahayag ni Ponce.

Ayon kay Poiret na isang French national, ang katatagan ng LCC Superstores na may kabuuang 83 branches sa Bicol ay bunga ng tiwala at pagpapahalaga ng mga Bicolano kung kaya marapat lamang na maibalik sa komunidad ang malasakit at pagtulong sa pangangailangan ng mga kabataan na ma-develop ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng sports.



Nagpalit ng head coach ang Imus Bandera, kung saan humalili si Mac Cuan kay coach Budz Reyes. Si Cuan ay dating head coach ng ALAB Pilipinas, then pinalitan siya ni Jimmy Alapag dahil nais ng una na mag-concentrate sa family. Dahil na rin sa tawag ng sports ay hindi natanggihan ng dating UST player ang magandang alok ng Banderas. Aniya, gagawin niyang defensive team ang Imus.      Excited din siyang i-handle sina Jayjay Helterbrand at actor Gerald Anderson.. Good luck!



Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang fans ni Calvin Abueva at mga basketball follower hinggil sa nangyari sa nobya ni Ray Parks na kinasangkutan ng una. Mukhang nakuha pa ng basketball players ang sympathy ng mga follower ng PBA. Sa totoo lang, mara­ming haters si Parks sa kasalukuyan na walang tigil sa kaba-bash sa kanya sa tweeter at FB.

Comments are closed.