CAMARINES SUR – UMUPO na ang bagong komander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army noong Miyerkoles na si Maj. Gen. Fernando Trinidad.
Pinalitan ni Trinidad si Maj. Gen. Jesus Mananquil na magreretiro na ngayong buwan.
Inihayag naman ni Capt. Joash Pramis, hepe ng 9ID public affairs na si Army chief, Lt. Gen. Macairog Alberto, ang nanguna sa turnover rites sa 9ID headquarters sa bayan ng Pili.
Bago ilagay sa nasabing assignment si Trinidad na miyembro ng Philippine Military Academy Batch 1986, siya ang Deputy Chief of Staff for Intelligence at ikinokonsidera bilang top military intelligence strategists.
Nagsilbi rin si Trinidad bilang hepe ng Civil-Military Office (CMO), naging commander ng 31st Army Battalion sa Sipocot, Camarines Norte, at komander ng 903rd Army Brigade commander sa Castilla, Sorsogon.
Sa kanyang pag-upo, tiniyak ni Triniad na kanyang paiigtingin ang kampanya laban sa insurhensiya kaakibat ng koordinasyon sa iba’t ibang stakeholdrs sa Bicol.
Sakop ng pamamahala ni Trinidad ang tatlong brigada at ang mga ito ay ang Albay, Camarines Norte, at Sorsogon. EUNICE C.
Comments are closed.