MAY kabuuang 17 private traders ang bumili ng bid documents sa pag-angkat ng 250,000 metric tons (MT) ng bigas kaugnay sa pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang supply ng butil sa bansa.
“[Our open tender] is very competitive because we have a lot [of participants]. We do not limit [the number of participants], so the more the better, the more the merrier,” wika ni National Food Author-ity (NFA) Deputy Administrator Judy Carol L. Dansal matapos ang pre-bid conference ng ahensiya kahapon.
“We cannot say if we would save more as of today. It is premature to state that but that is our objec-tive,” sabi pa ni Dasal.
Aniya, ang mga private trader para sa open tender ay maaari na ngayong i-supply ang lahat ng naka-laang lots, hindi tulad sa naunang open tender kung saan ang iginawad na volume kada supplier ay hin-di dapat lumagpas sa 50,000 MT.
Ang mga private trader ay papayagang bumili ng bid documents hanggang Mayo 21.
“The advantage of this is that we allow wider participation of traders and businessman to participate in this activity,” ani Dansal.
“More participants the better and mroe opportunity [of better] offerors of stocks [that] we are buy-ing,” dagdag pa niya.
Anang NFA official, naniniwala siyang hindi aatras ang 17 interesadong rice traders sa araw ng bidding na nakatakda sa Mayo 22.
Sa 17 private traders na bumili ng bid documents, pito ang nagmula sa Vietnam habang lima ang Thai companies.
Ang Vietnamese traders ay kinabibilangan ng Vietnam Southern Food Corp. (Vinafood II), Vietnam Northern Food Corp. (Vinafood II), Hiep Loi Joint Stock Co., Gentraco Corp., Phan Minh Investment Production Trading Services, Gia International Corp. at Khiem Thanh Company Ltd.
Samantala, ang Thailand-based firms ay kinabibilangan ng Thai Hua Co. Ltd, Ponglarp Co. Ltd., Asia Golden Rice, Capital Cereals Co. Ltd., at Thai Capital Crops Co. Ltd.
Ang nag-iisang Philippine firm na Paritas Trading Corp., gayundin ang Singaporean Olam International Ltd., Meskay & Femtee Trading Co. Ltd. mula sa Pakistan, at UAE-based trader Phoenix Global DMCC ay bumili rin ng bid documents.
Ang NFA ay naglaan ng P6.521 billion para sa pagbili ng 250,000 MT ng bigas sa ibang bansa para mad-agdagan ang paubos nang bufferstock nito at bilang paghahanda sa lean months, kung saan malaki ang ibinababa ng rice harvest. JASPER ARCALAS