BIDDING PROCESS NG PCSO HAHAWAKAN NG DBM AT DOJ

LOTTO OUTLET-2

NANINIWALA ang Malakanyang na kaya ng mga kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Department of Budget and Management (DBM) na pangasiwaan ang bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa panayam kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi papasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong hakbang kung walang sapat na kaalaman at karanasan ang mga miyembro ng gabinete.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na kanya nang pinag-aaralan na ilagay sa ilalim ng Office of the President (OP) ang pangangasiwa sa operasyon ng Peryahan ng Bayan, Keno at small town lottery.

Gayundin, ang kalihim ng DOJ at DBM naman ang mangangasiwa sa bidding process para sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga kukuha ng lisensiya.

Comments are closed.