MAGUINDANAO – MALUBHANG nasugatan sa pagsabog ang isang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) commander habang nasawi naman ang kanyang close-in security sa naganap na pagsabog sa lalawigang ito.
Nasawi si Dhats Amulan habang sugatan naman si Ustadz Karialan.
Ayon kay Abu Jihhad, tagapagsalita ng BIFF-Karialan faction, hinagisan ng granada ang tahanan ni Ustadz Karialan sa isang liblib na lugar sa Maguindanao.
Dahil sa lakas nang pagsabog patay on the spot si Amulan habang sugatan si Karialan.
Wala namang natanggap na ulat ang militar at maging ang Maguindanao-PNP hinggil sa nasabing insidente.
Subalit sa pahayag ni Abu Jihhad, nagtamo ng sugat sa likod si Karialan at hindi na dinala sa pagamutan dahil hindi naman maselan ang kanyang tama.
Blanko pa umano ang Karialan group kung sino ang naghagis ng pampasabog sa tahanan ng kanilang lider. VERLIN RUIZ