BIFF IED COURIER PATAY SA ENCOUNTER

MAGUINDANAO DEL SUR – PATAY ang isang supporter ngBangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na nagsisilbi ring courier ng Improvised Explosive Devised sa sinagawang isang Law Enforcement Support Operation ng military sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Kinilala ni LtCol Udgie Villan, Acting Commanding Officer ng 33IB ang suspek na si alyas Datu Guibo na subject ng implemetasyon ng warrant of arrest ng pinagsanib na pwersa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion at Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office.

Ayon kay BGen. Oriel Pangcog, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, papalapit pa lng ang pinagsanib na pwersa ng kasundaluhan at kapulisan upang ipatupad ang order ng implementasyon ng arrest warrant nang biglang nagpaputok ang mahigit sa sampung armadong kasamahan ng suspek.

Nakuha mula sa nasawing terorista ang isang (1) Cal. 45 Pistol, isang (1) magazine, tatlong (3) bala nito at isang (1) Anti-Personnel Mine.

Sinabi naman ni Major General Alex Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central na hindi mangingiming durugin at tuluyang pulbusin ng Kampilan troopers ang teroristang grupo na banta sa seguridad sa mga lugar na sakop ng 6ID. VERLIN RUIZ