NAG-ROLLBACK ng kanilang presyo ng produktong petrolyo ang tinatawag na “Big 3” oil companies — Shell, Petron at Caltex – sa Baguio City ng halos PHP2 hanggang PHP6 kada litro para sa diesel, at gasoline ayon sa pagkakasunod, ani Congressman Mark Go sa isang panayam.
“They lowered the price of diesel by PHP2 and PHP6 for gasoline. Now the disparity is trimmed,” pahayag ni Go patungkol sa magkaibang presyo ng produkto ng petrolyo sa Baguio kompara sa ibang bahagi ng bansa.
Pero sinabi niya na hindi pa siya kuntento dahil ang pagkakaiba ay nananatiling nasa PHP5 hanggang PHP6 sa siyudad at sa Rosario, La Union na dapat ay nasa pagitan ng PHP1 at PHP1.50.
Noong 2017, nag-file si Rep. Go ng bill sa Kongreso na naghahangad ng imbestigasyon sa PHP10 hanggang PHP14 na pagkakaiba ng presyo ng petrolyo na ibinebenta sa Baguio kompara sa Rosario, La Union.
“This has been what we were working on since last year and as part of the effort that we have done, we filed a resolution to investigate this,” sabi niya.
Sinabi niya na sa loob ng isang linggo, tinawagan siya ng isang Mia delos Reyes ng Petron at sinabing ibababa nila ang presyo ng gasoline ng PHP5 at diesel ng PHP1.50.
Sinabi naman umano niya na bagama’t bumaba na pero hindi siya kuntento at gusto niyang malaman kung paano nila nakuha ang presyo at ano ang basehan ng rollback.
Habang nagkakagulo sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa Baguio, sinabi ni Go na siya ay magpa-file ng bill sa Kongreso para bigyan ng kapangyarihan ang Department of Energy (DOE) na makapagtalaga ng price ceiling ng petrolyo para maiwasan ang pagkakaiba ng pagbebenta ng presyo ng petrolyo hindi lamang sa Baguio kundi sa buong bansa. Ang panukalang batas ay nasa Committee on Energy na sa mababang Kapulungan.
Samantala, sa isang konsultasyon kamakailan ang mga may-ari at retailer ng krudo sa Baguio ay tumanggi sa alegasyon ng kartelisasyon sa pagpepresyo ng petrolyo.
Sinabi ng mga retailer at franchise holders ng “Big 3” na sila ay sumusunod lamang sa suggested retail price (SRP) na ibinibigay sa kanila ng kanilang mother company.
Ayon sa mga retailer ng Shell, Caltex at Petron hindi sila nakapagdidikta ng presyo.
“As a retailer, we don’t have the right to change the prices of our products. The decision is from our main office and whatever their decision is, that is what we are following. That is why it is beyond our control,” anila.
Sa isang konsultasyon, nagpaliwanag si DOE’s Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad tungkol sa mga bagay na nagpapaapekto ng presyo ng langis. Sinabi niya na ang pagkawala ng malapit na oil depot at malalaking industriya ng heavy fuel at ang mababang konsumo ng siyudad kasama ang La Union ay isa pa sa dahilan.
“Fuel affects everyone, that’s why we are here to discuss with you the issues and concerns that affects oil price, especially that there are reports that the fuel price here has some disparities,” sabi ni Abad.
Maliban sa mga retailer ng “Big Three,” sinabi ng isang kinatawan ng Clean Fuel na dumalo sa panayam, na nagbebenta sila sa mababang presyo dahil limitado ang kanilang gastos, tulad ng advertisements, na nakadadagdag sa operational cost.
“We can give our customers as low as we can because we’re not like the Big 3 that spend money for advertisement and we do not also pay much in our rentals because some of the lot where our retail gasoline stations are situated are company-owned,” ayon sa kinatawan. PNA