‘BIG BOSS’ NG DRUG TRADE SA BAGUIO TIKLO SA LA UNION

Drug Trade

NAGWAKAS ang i­lang buwang pagtatago sa kamay ng batas ang umano’y big boss ng drug trade sa Baguio City makaraang masakote ng awtoridad sa isinagawang malawakang manhunt operation sa bahagi ng Barangay Sta. Barbara sa bayan ng Agoo, La Union noong Miyerkoles ng umaga.

Kasalukuyang isinailalim sa tactical interrogation ang notoryus drug syndicate leader na si Christian del Prado Alvar na guma­gamit ng alyas “Sadeek” at may da-lawang warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 at direct assault with attempted homicide na  inisyu nina Judge Emmanuel Cacho Rasing ng RTC Branch 3 at MTCC Judge Roberto Mabalot.

Base sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang pinagsanib na puwersa ng Baguio Intelligence and Drug Enforcement Units, CIDG-Baguio, Regional Intelligence Unit 14, PDEA-Region 1, Regional Intelligence Unit 1 at Baguio-PNP Station 2, 10, 5 at 9 kung saan nagkukuta ang suspek sa nabanggit na lugar.

Dito na nakorner ang suspek makaraang makapuslit sa police dragnet ope­ration noong Abril 2019 sa itinayong checkpoint sa Asin Road at Sta. Lucia Subdivi-sion noong Huwebes Santo.

Narekober ang sasakyan ng suspek na abu­hing SUV na may plakang ABI 1736 na inabandona sa Purok 23 sa San Carlos Heights sa bayan ng Irisan.

Sa tala ng pulisya, noong 2016 at 2017, umaabot sa siyam na mi­yembro ng grupo ni Alvar ang naaresto habang noong nakalipas na buwan naman ay naaresto na rin ang tatlo pang miyembro ni Alvar sa drug trade na sina Jay Bray Antonio, Arie Ander Olegario at Romer Marquez Ramos kung saan nasamsam ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000. MHAR BASCO

Comments are closed.