NAGHINTAY lamang ang Melaine Habla owned at bred Big Lagoon, sakay si jockey John Alvin Guce, ng tamang pagkakataon para umatake at sa huli ay inangkin ang pinakamayaman at pinakaprestihiyosong karera sa Philippine horseracing calendar, ang P10-million 2022 Philracom-PCSO Presidential Gold Cup noong Linggo sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Isang off-the-pace runner, ang bay 5YO ng Havana mula sa Blue Catch ay nasa ika-4 na puwesto sa kaagahan ng lung-busting 2000m karera, sa likod ng Sky Shot, Ambisioso at Silver Cup champ Boss Emong.
Ganito ang order sa malaking bahagi ng karera hanggang sa huling 600 meters nang sabihan ni Guce si Big Lagoon, “Let’s go boy. It’s time to join history.” Tumugon naman si Big Lagoon at nilagpasan si Boss Emong at nakipagsabayan kay Sky Shot.
Gayunman, ang distansiya ng karera ay masyadong mahaba para sa front runner na kalaunan ay nagbigay-daan sa Ruben Tupas-trained galloper. Subalit hindi pa nakasisiguro ang Big Lagoon. Nagbanta ang Super Swerte ni Leonardo “Sandy” Javier Jr. para agawin ang panalo.
Gayunman, sa kasawiang-palad ay kinapos ang Super Swerte at iniwan siya ng Big Lagoon ng 1 1/2 lengths upang kunin ang PGC.
Naorasan ang karera ng 2:04 na may clips na 24’-23-25-24-27’.
Ang panalo ay nagbigay sa connections ng Big Lagoon ng top prize na P6-million habang nagkasya ang Super Swerte sa P2-million para sa runner-up finish.
Pumangatlo ang Boss Emong na nagkakahalaga ng P1-million, kasunod ang Sky Shot (P500 thousand) at Victorious Colt fifth (P300,000).