BIG TIME DRUG PERSONALITY LAGLAG SA MARINES

TAWI-TAWI – ISANG wanted na big time drug personality ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Marine-Marine Battalion Landing Team-12 (MBLT-12), Provincial Mobile Force Company, at PDEA-BARMM sa inilunsad na joint law enforcement operation sa area ng Punduhan Tapis Imam Laja, Barangay Sipangkot, Sitangkai.

Kinilala ni Joint Task Force Tawi-Tawi at 2th Marine Brigade Commander Col.Romeo Racadio na ang naarestong drug personality na si Bashir Daud na may kasong attempted murder.

Ayon kay Racadio, habang ginagalugad ang lugar sa bisa ng hawak nilang search warrant ay tumambad sa mga operatiba ang isang kilo ng hinihinalaang shabu, isang M16A1 rifle, five long magazines, 104 liv ammunitions at mga assorted drug paraphernalia.

Tiniyak ni Racadio na hindi sila tumitigil sa kanilang kampanya laban sa criminality, illegal drugs, terorismo kasama ang katuwang ang kanilang mga counterpart sa hanay ng PNP at PDEA.

Kaugnay nito ay pinuri ni AFP Western Mindanao Command Commander MGen
Alfredo Rosario Jr. ang JTF Tawi-Tawi sa kanilang matagumpay na operasyon. VERLIN RUIZ