BIG-TIME DRUG SYNDICATE TIKLO

arestado

PASAY CITY – DALAWANG pinaghihinalaang mi­yembro ng big-time drug syndicate ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit SDEU) sa buy bust operation noong Sabado ng gabi at nahulihan ang mga ito ng may P68-milyong halaga ng shabu.

Ang mga naaresto ay sina Mia Bianca Atendido,21, ukay-ukay vendor, nakatira sa 704 Apelo Cruz, Malibay, Pasay City at Dave  Realin, 21 at nakatira sa Barangay Cabuco, Trece Martirez, Cavite City.

Ang dalawang suspek ay kasalukuyan ngayong nakakulong sa Pasay City police custodial facility at nahaharap sa kasong drug possession.

Base sa imbestigasyon ng pulisya ang mga suspek dakong 8:30 ng gabi sa harap ng Philtranco Bus Terminal sa may Apelo St. kanto ng Malibay EDSA, Pasay City.

Ayon kay Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, nakuha mula sa mga suspek ang may 10 kilo ng shabu na itinago sa pakete ng Chinese tea at nagkakahalaga ng may P68-milyon. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.