BIG-TIME OIL PRICE HIKE NAKAAMBA

PETROLYO-22

NAGBABADYA ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ayon sa oil industry sources, base sa trading mula Mayo 18 hanggang Mayo 22, ang presyo ng diesel ay inaasahang tataas ng P2.16 kada litro habang ang gasolina ay tinatayang may dagdag na P1.91 kada litro.

Sa kanilang weekly fuel forecast para sa  Mayo 26 hanggang Hunyo 1, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P2.30 habang ang kada litro ng gasolina ay P1.90.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ipatutupad tuwing Martes.

Comments are closed.