MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, inanunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P2.90, diesel ng P2.10, at kerosene ng P3.05.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustment, maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang adjustments sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may price hike sa gasolina at kerosene. DMW umayuda Noong nakaraang Martes, Disyembre 27, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.95 at kerosene ng P0.50, habang ang presyo ng kada litro ng diesel ay bumaba ng P0.20.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Disyembre 20, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P13.95, diesel ng P27.50 at kerosene ng P20.80.