BIG TIME OIL PRICE HIKE SA SUSUNOD NA LINGGO

PINAYUHAN ang mga motorista na magpakarga na ng gasolina bago dumating ang Martes dahil nakaamba na ang isang big-time oil price hike na sasalubong sa kanila sa araw na iyon.

Maglalaro sa P1.40 hanggang P1.75 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa gasolina.

Ang diesel, P1.40 hanggang P1.50 naman ang magiging pagtaas habang P1.30 hanggang P1.40 ang maaaring imahal ng kerosene.

Samantala, pati ang liquefied petroleum gas (LPG), nasa P1 hanggang P2 kada kilo rin ang imamahal sa Biyernes, Marso 1.

Sa kabuuan, magkakaroon ng P11 hanggang P22 dagdag-presyo sa karaniwang tangke ng LPG.

Comments are closed.