SIMULA ngayong araw ay magkakaroon ng malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, isang linggo makaraang luwagan ang restrictions sa mga pampublikong sasakyan.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P1.75; diesel ng P1.00, at kerosene ng P1.00.
Magpapatupad din ang Petro Gazz ng katulad na price hike, maliban sa kerosene na hindi nila inaalok.
Hindi pa kasama sa adjustments ang 10% na dagdag-buwis sa imported crude oil at refined petroleum products na ipinataw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Executive Order 113 na kanyang nilagdaan noong Mayo 2.
Epektibo ang taas-presyo ngayong alas-6 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments ay may net decrease na P9.52 per liter para sa gasolina, P12.44 sa diesel, at P16.24 para sa kerosene.