MAKAAASA ang mga motorista ng malakihang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa source sa oil industry, ang presyo ng kada litro ng diesel ay inaasahang bababa ng P2.65 hanggang P2.85, habang ang gasolina ay maaaring tapyasan ng P2.80 hanggang P3.00.
Ang adjustments ay dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado dulot ng US-China trade war at ng gusot sa pagitan ng US at ng Mexico.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang diesel ay nagkakahalaga ng P40.35 hanggang 45.55 kada litro, habang ang gasolina ay nasa P46.45 hanggang P57.41 kada litro.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 4, ay nagpatupad din ng rolbak ang mga kompanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produkto.
Ang presyo ng diesel ay bumaba ng P1.05 kada litro, habang ang kada litro ng gasolina ay may tapyas na P1.70, at P1 sa kerosene.
Comments are closed.