MAAASAHAN ng mga motorista ang isa na namang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikatlong magkakasunod na linggo.
Ipinatupad na agad ng Phoenix Petroleum alas-6 ng umaga kahapon ang kanilang malaking tapyas-presyo.
Narito ang rollback ng Phoenix Petroleum: Diesel– P2.00 bawat litro; Gasolina —P1.60 bawat litro.
Wala pang anunsiyo ang ibang oil companies kung tatapatan o mas malaki pa ang rollback nila sa Phoenix.
Ayon sa mga taga-industriya, isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng presyo ng langis ay ang bumababang demand nito sa China, na sinasabing epekto ng pagkalat ng bagong uri ng coronavirus doon.
Kung susumahin, mula Enero 1, mahigit P4.50 na ang bawas sa presyo ng diesel at halos P4 naman sa gasolina.
Gayunpaman, inaasahang malapit na ring ipatupad ang sunod na bugso ng fuel excise tax kapag naubos na ang lumang stocks ng mga kompanya ng langis. AIMEE ANOC