BIG-TIME OIL PRICE ROLLBACK SA SUSUNOD NA LINGGO

OIL PRICE ROLLBACK

MATUTUWA ang mga motorista dahil sasalubong sa kanila ang big-time price rollback sa petrolyo sa susunod na linggo.

Nag-abiso na ng panibagong malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang kompanyang Phoenix Petroleum.

Epektibo ng ika-2 ng hapon ng Sabado ang P1.10 na rollback sa kada litro ng diesel at P0.50 naman sa kada litro ng gasolina.

Kasabay nito, nag-abiso na rin naman ang Caltex ng P1.10 na rollback sa kada litro ng diesel na mag-sisimula sa Martes, Agosto 13.

Inaasahan naman na mag-aabiso rin ng roll back ang iba pang kompanya ng langis.

Base sa komputas­yon ng mga taga-industriya, malaki-laki ang itatapyas sa presyo ng diesel na mahigit P1 kada litro.

Narito ang tinata­yang rollback sa petrolyo simula Martes:

Diesel—P1.10-P1.20 kada litro; gasolina — P0.50-P0.60 kada litro; at kerosene — P1.20-P1.30 kada litro.

Ayon sa Phoenix Petroleum: diesel — P1.10 kada litro; gasolina—P0.50 kada litro; kerosene —P1.30 kada litro.

Rollback ng Clean Fuel: diesel —P1.10 kada litro; gasolina — P0.50 kada litro.

Ayon sa mga taga-industriya, ang tensiyon pa rin sa pagitan ng Amerika at China ang dahilan ng paghina ng presyo ng langis.

Mas malaki pa umano dapat ang rollback kung hindi lang humina ang palitan ng piso kontra dolyar.