BIG-TIME PRICE HIKE SA LPG

LPG-6

MATAPOS ang big-time oil price hike noong Martes, isang malakihang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang sasalubong naman sa Oktubre.

Ayon sa source, apektado rin ang presyo ng LPG sa nangyaring pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia.

Sa pahayag ni Jun Golingay, presidente ng LPG importer na South Pacific, Inc., umabot sa P5 kada kilo ang itinaas ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado.

Sa pagtaya ni Golingay, maglalaro sa P4 hanggang P5 kada kilo ang imamahal ng LPG simula Oktubre 1. Katumbas ito ng P44 hanggang P55 pagtaas sa kada regular na tangke.

Sa kasalukuyan ay nasa P550 hanggang P650 ang kada 11 kilong tangke ng LPG.

Comments are closed.