INAASAHAN ang isa na namang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa papasok na linggo.
Ayon sa source sa industriya, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.10.
Nasa P0.90 hanggang P1.00 kada litro naman ang inaasahang price hike sa gasolina.
Samantala, ang kerosene ay tinatayang may dagdag na P0.95 hanggang P1.05 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ipinatutupad kinaumagahan.
Noong Enero 12 ay nagpatupad sila ng price increase na P0.85 kada litro para sa gasolina, P0.30 kada litro sa diesel, at P0.25 kada litro para sa kerosene.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng diesel ay mula P29.60 hanggang P39.55, habang ang presyo ng gasolina ay mula P37.20 hanggang P53.87 kada litro.
Comments are closed.