BIG TIME PRICE HIKE SA PETROLYO SASALUBONG SA DISYEMBRE

PETROLYO-19

MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng Disyembre.

Sa pagtaya ng mga taga-industriya, nasa P1.15 hanggang P1.20 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Nasa P1 hanggang P1.10 kada litro naman ang inaasahang dagdag sa presyo ng diesel, habang sa kerosene ay P1.10 hanggang P1.15.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na ipatutupad kinaumagahan.

Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng kada litro ng gasolina ay naglalaro sa pagitan ng P34.40 at P53.30, habang ang presyo ng diesel ay mula P25.90 hanggang P36.05 kada litro.

Comments are closed.