BIG TIME ROLLBACK SA LPG SASALUBONG SA MARSO

LPG TANK-2

ISANG big time rollback sa ­presyo sa liquefied ­petroleum gas (LPG) ang inaasahang sasalubong sa Marso.

Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA), maglalaro sa P2 hanggang P4 kada kilo o P22 hanggang P44 ang maba-bawas sa presyo ng kada 11 kilong tangke.

Sa Sabado, Pebrero 29, inaasahang ilalabas ang pinal na contract price ng cooking gas.

Nagbabadya ring bumaba ang presyo ng iba pang produktong petrolyo matapos ang price hike noong Martes.

Ayon sa industry sources, ito’y dahil sa unang tatlong araw ng bentahan sa pandaigdigang merkado ay nagkaroon na ng mga bawas sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene.

Pinaniniwalaang ang coronavirus disease 2019 (COVID-2019) ang dahilan ng pagbaba ng presyo ng langis.

Inaasahang bababa pa ang presyo ng krudo sa sandaling ideklara ng World Health Organization (WHO) na ‘pandemic’ na ang COVID-2019.

Ang pandemic ay ang pagkalat ng isang karamdaman sa buong bansa o buong mundo. PILIPINO Mirror Reportorial Team