BIGAS ISAMA SA BONUS NG GOV’T EMPLOYEES

Bigas

UPANG matulungan ang mga lokal na magsasaka, hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga ahensiya ng gobyerno na isama sa bonus nito para sa mga empleyado ang bigas.

Sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes na  maaaring bumili ng bigas ang mga ahensiya ng gobyerno mula sa National Food Authority (NFA) o mula  sa local government na  direktang bumibili ng bigas mula sa mga magsasaka.

Ang nasabing suhestiyon ay sinuportahan ng  Department of Education.

Ayon kay DepEd spokesperson Annalyn Sevilla na siguradong pasasalamatan nila ang karagdagang bonus ngunit nais nilang makatiyak na ito ay may legal na basehan at suportang pinansiyal

Nais din matiyak ni Sevilla na may  pagkukuhanan ng pondo para pambili ng bigas.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Food Authority na taasan ang emergency buffer stock ng bansa mula sa 15 araw hanggang 30 araw sa pamamagitan ng pagbili ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka.

Comments are closed.