NAG-INSPEKSIYON ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) sa mga palengke sa Quezon City para malaman kung ang bigas na inangkat sa Thailand at Vietnam ay nakarating na sa mga tindahan.
Ayon sa report, binisita ng mga opisyal ng NFA ang mga palengke sa Kamuning, Commonwealth at Muñoz.
Apat na tindahan sa palengke ng Commonwealth ang nagbebenta ng NFA rice.
Makabibili na rin ang mga consumer ng ayudang bigas mula sa dalawang tindahan sa palengke ng Muñoz. Dalawang tindahan ang nagbebenta ng NFA rice sa Kamuning.
Bumebenta ang NFA rice ng P27 kada kilo.
Ngayong mabibili na ang bigas ng NFA sa mga palengke, malamang na bumaba ang presyo ng commer-cial rice, ayon sa report.
Comments are closed.