BIGAS NG PILIPINAS COMPETITIVE NA KUMPARA SA MGA KARATIG BANSA

Competitive at nakakasabay na ang presyo ng bigas ng Pilipinas kumpara sa mga karatig bansa nitong Thailand at Vietnam.

Ito ay ayon kay Dr.Floredeliza Bordey, Deputy Executive Director ng Department of Agriculture -Philippine Rice Research Institute Philrice (DA-PhilRice).

Sa congressional hearing sa Rice Tariffication Law ng kamakailan ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ni Bordey na ang pagiging competitive na ng rice production ng bansa ay dahil sa patuloy na pamamahagi ng ahensya ng certified seeds , at paggamit ng mga tehnolohiya para sa seed enhancing na may kaakibat na cost reduction.Napabilis aniya ang produksyon ng mga bigas ng mga magsasaka dahil sa naturang programa.

Ang pamamahagi ng bigas sa pamamagitan ng seed program ay nakapaloob sa Republic Act 1103 na ibinigay na mandato sa PhilRice na kailangang ipatupad.

“This is to improve competitiveness and income, yield increase, and cost reduction.Increasing the production through technology, particularly on seed enhancing and cost reducing technology contributes to this outcome,”ang sabi ni Bordey.

“If we look at our competitiveness level since 2018 makikita po natin na kung icocompare natin yung ating wholesale price of the well milled rice ng ating bansa sa import parity price po ng Thailand na 25 percent broken, at import parity price din ng Vietnam na 5 percent broken.Nung 2018 po ay mas mahal tayo ng P5 per kilogram.Come 2021,almost na close na po natin yung gap.At nito pong 2023 ay tayo na ang mas mura kesa sa kanila.Malaking factor po dito yung pag increase po natin ng international price because of India’s ban on export.But then kung hindi po natin pinalakas yung ating industry in the last five years, hindi po natin mati take advantage yung opportunity na ito,”paliwanag ni Bordey.

Nakita rin anya ng Philrice na sa 42 lalawihan na tuloy tuloy na nabigyan ng certified seeds ng Philrice sa programa nito napabilis ang produksyon ng palay ng mga magsasaka.

“So from 2019 to 2023, they increased by 7 percent.In the past five years in 2015 to 2019 , 2 percent increase lang po yung kanilang palay production,”sabi ni Bordey.Ito po ay nagdulot ng pag increase ng farmers’ income,”dagdag pa ni Bordey.

Kaya umano nagkaroon ng 15 porsiyentong pagtaas sa annual income sa mga rice farming households ang naitala mula P271,695 per annum ng 2019, na umabot sa P313 092 sa 2023 ang kinita umano ng mga magsasaka ng bigas.

“Malaking bagay po na nagcontribute dyan ay ang pag increase ng seasonal rice farm income ng ating mga magsasaka na nung 2019 ay about P14,000 lang nadoble po ito sa almost P28,000 nitong 2023.At kapag tag-ulan naman from almost P15,000 ay naging P26,000 per hectare per season ,”sabi ni Bordey.

Paliwanag ni Bordey ang isa sa dahilan ng pagtaas ng kinita ng mga magsasaka ay ang pag- improve ng kanilang yield level na dati ay nasa 3.63 tons per hectare.

“Samantalang ang kanilang yield kapag tag ulan from 3.69 tons to 4.03 tons per hectare,”sabi ni Bordey.

Sa ngayon ay umunti na anya ang mga probinsya na may 3 tonelada lamang at mas mababa pa ang rice yield.Dumami na ang mga lalawigan na may rice yield ng 4 tonelada hanggang 5 tonelada .

“Although hindi pa po natin na hi-hit ang target na 5 tons per hectare pero nakikita na po natin na dumadami yung mga probinsya na nakakahit na po nitong target po natin,”sabi ni Bordey. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia