BIGAS PARA SA CALAMITY SAPAT

BIGAS-CALAMITY

SINABI kanina ng National Food Authority (NFA) na sapat ang nakaimbak nitong bigas upang tugunan ang mga pangangailangan ng relief agencies at local government units (LGUs) para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay NFA Administrator Jason Y. Aquino, ang food agency ay hindi na mauubusan ng stocks, lalo na para sa anumang calamity o emergency.

Aniya, ia-activate ng NFA ang 24-hour operations center nito kapag may kalamidad upang masi­guro ang mabilis na pagtugon para sa pangangailangan sa bigas.

“During this time when ­typhoons and flooding are forecast in many parts of the country, our employees can be counted upon to man our offices and warehouses in order to assure our countrymen of available rice at any given time,” sabi ni Aquino.

“We have already prepositioned our stocks in all provinces of our country. We have secured stocks for island provinces easily isolated by typhoons, flooding and landslides as well as other calamity-prone areas. We assure everyone that NFA rice will be available anywhere when needed,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa NFA, hanggang nitong Hulyo 16 ay may 197,400 metric tons mula sa kabuuang  250,000 MT ng bigas na inangkat nito sa Vietnam at Thailand ang nadala na sa mga bodega nito. Ang nalalabing 52,600 MT ay inaasahang darating bago matapos ang Hulyo.

Inatasan ni Aquino ang field offices ng NFA na maging handa sa pagkakaloob ng serbisyo 24/7 kung kinakailangan para mabilis na makatugon sa pamamahagi ng bigas sa mga biktima ng kalamidad.

“Market monitoring is also heightened to ensure that rice will continuously be available and to avert any unreasonable spike in pri­ces,” sabi pa ni Aquino. MONIQUE DANIELLE A. FERNANDO

Comments are closed.