MAY magandang balita ang Agriculture Department dahil bukod sa P29 na kada kilo ng bigas sa vulnerable sector ay makabibili na rin ang publiko ng mababa pa sa P45 kada kilo.
Mabibili na rin sa Kadiwa stores sa ilulunsad na “Rice for All Program” ang P45 na bigas.
Magiging bukas ito sa lahat ng Pilipino. Papayagan ding bumili sa “Rice For All “program ang mga nasa vulnerable sector na kasalukuyan ng binebentahan sa sampung Kadiwa Centers ng murang P29 kilo ng bigas mula sa buffer stocks ng National Food Authority (NFA).
Ang mga nasabing “vulnerable sectors” ay kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs).
Ang “Rice for All” ay para sa publiko na ang ibebenta naman ay mga imported na bigas at local well milled rice.
Inaasahang magtutuloy- tuloy ang pagbebenta ng murang bigas dahil sa may sapat na supply nito.