ASAHAN na sa susunod na mga araw ay mas malaking shipment ng ilegal na droga ang makukumpiska ng mga awtoridad.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ginanap na campaign rally ng PDP Laban sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Pangulo, palusot lamang ng mga drug syndicate ang magkakahiwalay na nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng halos 1.3-bilyong piso sa Manila International Container Port sa layuning malihis ang atensiyon ng mga awtoridad.
“Actually there are other billions coming in. The Philippines is contiguous, island for island. There are seven thousand islands. Just choose where you want to land. It’s different from America which is just one stretch of border. We have plenty of islands. If we put them all together, that will be the whole country and its shorelines,” pahayag pa ng Pangulo.
Kasabay nito ay inatasan ng Pangulo ang mga awtoridad na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang mga nasasakupan dahil may papasok pang malaking shipment ng ilegal na droga sa mga susunod na mga araw.
“Imagine the shorelines of 7,000 islands. That is why the drug addicts here in Cagayan — we are Filipinos. The media is here — son of a b*** I will really kill you. Maniwala kayo sa akin,” giit pa ng Pangulo.
Nangangamba ang Pangulo na matulad ang Filipinas sa Mexico na mismong mga drug cartel na ang may kontrol sa gobyerno.
Nakapasok na rin aniya ang drug syndicate na Sinaloa kung kaya’t maraming cocaine na ang nakukumpiska na palutang lutang sa dagat na pumapasok naman sa Pacific.
“If you look at the map of the Philippines, on your right side is the East. Manila is there and Mindanao is here. On the West side, all the drugs being thrown there are valued at one billion. Every day. Where is that headed? T*** i**. Is it headed here? The Filipinos will chew on that until they dive. When the Filipinos dive, I will go after you. I will get rid of you. So help me God,” dagdag pa ng Pangulo.
Noong Biyernes ng gabi ay aabot sa kabuuang 276 kilos ng shabu mula sa Vietnam ang nasabat ng pinagsanib na puwersa na Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa MICP.
Ang naturang shipment na idineklarang plastic resin ay inihalo sa mga sako ng resin na natagpuan sa loob ng 40 footer container van na naka-consign sa Wealth Lotus Empire Corporation kung saan ang kada kilo ng shabu ay nakaempake upang magmukhang Chinese tea. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.