DUBAI – IKINAGALAK ng overseas Filipino workers (OFWs) ang pagbubukas ng pinakamalaking training center sa United Arab Emirates.
Tinawag itong Pinoy Overseas Workers Education and Reintegration (Power )Technical Center na pag-aari ng Filipino engineer na si Jim Mahan.
Aniya, kapaki-pakinabang sa mga Filipino expatriate ang pasilidad dahil sa mga alok na training courses, training and education facility.
Kabilang naman sa nagpasinaya sa pasilidad ay sina Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Secretary Isidro Lapeña, Philippine Ambassador Hjayceelyn Quintana, at Labor Attache Felicitas Bay.
Sinabi naman ni Lapeña na handa ang TESDA para ibigay ang training assistance sa mga Filipino workers competent.
Kabilang naman sa maaaring pag-aralan sa lugar ay ang training program on dressmaking, document controller, accounting, graphic design; and master class CCTV installation, fire alarm system, access control system, solar panel installation, and cruise ship crew training. GELO BAIÑO
Comments are closed.