BINUKSAN na ang pinakamalaking quarantine facility sa Bagong Nayong Pilipino, Paranaque City na may kapasidad na tumanggap ng hanggang 525 na pasyente ay nagpapatunay na may pagkakaisa ang gobyerno at pribadong sektor sa pagtugon laban sa COVID-19.
Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pagbubukas ng Solaire-Philippine Amusement and Gaming Corporation Mega Quarantine Center ay pinondohan ng Razon Group, national government at pribadong sector na nagsama-sama kontra COVID-19.
Ayon kay Olivarez, ang nasabing quarantine facility ay magdudulot ng masigasig na pagsisikap ng seryosong pagtugon sa pandemya na kung saan ang kalusugan at kapakanan ng taumbayan ang unang-una sa lahat na nararapat pag-uukulan ng pansin.
Kinilala naman ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang kontribusyon ng Razon Group sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.
Idinagdag pa ni Olivarez na ang bagong bukas na quarantine center ang hihimok sa mga pasyenteng mayroong banayad hanggang sa asymptomatic na kaso sa Metro Manila at sa mga karatig na lalawigan na magpa-isolate ng kanilang mga sarili sa labas ng kanilang mga bahay. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.