BANGKOK — Posibleng maurong sa 2020 ang paglagda sa pinakamalaking trade pact sa mundo, ayon sa isang draft statement ng Southeast Asian leaders na nagpaantala sa kasunduan na pinakaaabangan ng China upang mapagaan ang matinding tariff war sa Estados Unidos.
Ang lawak ng 16-nation Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay mula India hanggang New Zealand at kinabibilangan ng 30 percent ng global GDP at kalahati ng populasyon ng mundo.
Ang pagtutol ng India ang pumawi sa pag-asa na maisapinal ang kasunduan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit nitong weekend dito, kung saan ang mga miyembro ng 10-nation bloc ay sinamahan ng premiers ng India at China.
“Most market access negotiations have been completed and the few outstanding bilateral issues will be resolved by Feb 2020,” nakasaad sa draft agreement na nakuha ng AFP.
Nagkaroon ng mga negosasyon sa loob ng ilang taon, subalit nakasaad sa statement na ang teksto ng lahat ng 20 chapters ay kumpleto na ngayon ‘pending the resolution of one member’, na pinaniniwalaang ang India.
Gayunman, nakasaad sa statement na ang lahat ng miyembro ay nangakong lalagdaan ang RCEP sa susunod na taon sa Vietnam, na tatayong ASEAN chair.
“New Delhi is worried its small businesses will be hard hit by any flood of cheap Chinese goods creating ‘unsustainable trade deficits,” wika ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa isang panayam na nalathala sa Bangkok Post.
Itinuturing ng Beijing ang RCEP bilang central pillar ng trade strategy nito para sa kanilang mga kapitbahay sa Asia, at suportado ito ng mga lider ng ASEAN at siyang kumakatawan sa 650 million-strong market. AGENCE FRANCE-PRESSE
Comments are closed.