TINATAYANG aabot P13.6 milyon ang halaga ng drogang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga operatiba ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at pulis sa inililunsad na anti illegal drug operation sa Makati City.
Ayon kay Director Derrick Carreon ng PDEA-PIO , isang babae na kinilalang si Asrainie Bolao y Bucua ang nadakip sa ikinasang buy bust operation dakong ala-5:30 kamakalawa ng hapon sa harapan ng isang food chain sa Chino Roces St., Arnaiz Ave, Pio Del Pilar, Makati City
Batay sa report na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva ni PDEA RO-NCR Regional Director Adrian Alvarino nakuha sa pag-iingat ni Bolao ang dalawang kilong shabu matapos na ilang araw na pagtugaygay sa kilos nito.
Makaraang magpositibo ang mga nakalap na intelligence report kaugnay sa iligal na transaksyon ng suspek, isang buy bust operation ikinasa nang pinagsanib na puwersa ng PDEA RO-NCR Regional Southern Eastern team, at Intelligence Investigation Service (IIS), PDEA 4-A, PNP ,at AFP ISAFP laban sa target na bigtime drug dealer.
Nakumpiska kay Bolao ang 2,000 gramo ng shabu, cellular phone na pinaniniwalaang gamit sa drug transaction ,
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA detention facility ang suspek habang inihahanda ang kasong labag sa RA 9165 laban ditto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.