BIGTIME KITA AGAD SA NEGOSYO? MABIBIGO KA LANG!

AGRESIBO ang mga kabataan ngayon sa usapin kung paano sila magkakaroon ng sariling hanapbuhay at income.

Mayroong working student, dahil gusto nila haban nag-aaral ay matikman na nila ang pagbabanat ng buto upang magkaroon ng sariling pera.

Mayroon naman sinasabay ang pag-aaral at pagnenegosyo at ayaw nang hintayin pa na makataos at nais nang humugot ng karanasan para kapag nag-full time negosyo ay kabisado na ang pasikot-sikot.

Ang mga ganitong mindset ay may mataas na tiyansang magtagumpay sa larangan ng hanapbuhay.

Subalit bago makamit ang matagumpay na pagnenegosyo, mayroon naman na ilang buwan palang nakakalasap na ng failure kahit pa interesado silang maging trader at dumalo sa iba’t ibang training/seminar.

Narito ang payo ng isang  nagme-mentor gamit ang social media, si Boni De Jesus.

Tinukoy niya ang ilang dahilan ng kabiguan sa  pagnenegosyo.

Aniya, huwag maghangad ng jackpot agad sa pagnenegosyo dapat unti-unti  at mas masarap na makamit ang tagumpay kaysa agad mabangkarote o malugi.

HUWAG MAGHANGAD NG AUTOMATIC BIGTIME KITA

Katwiran niya, kapag nais ng instant bigtime kita, mayroong nava-violate na basis principle habang ang gradual o unti-unting pag-angat ay marami kang matutunan.

Step-by-step na proseso sa pagyaman. Kilalanin o alamin ang target na customer; i-deliver ang gusto nilang produkto at serbisyo.

Dapat may kakaibang katangian ang iyong produkto at  serbisyo upang ito ang iyong maging trade signature.

Kapag unique ang iyong negosyo, papatok ito at higit sa lahat lamang na panalo ka.

DAHILAN NG FAILURE

Huwag madaliin ang pagyaman at pagpapatok ng iyong negosyo.

Dahil kapag nagmamadali, mabilis ding titiklop ang iyong negosyo.

Chill lang. Unti-unti para habang kumikita, nadaragdagan ang kaalaman at nagiging matatag sakaling may mga hamon.

Kaya di ba, ang mga working student at   negosyanteng nag-aaral, lamang sa kanila ang matagumpay?

Kaya mo rin iyan!