SA PAGPASOK ng Bagong Taon, binulaga ng taaspresyo ang mga gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG) ng aabot sa halos P8 kada kilo.
Ayon sa Phoenix LPG Philippines at Petron, tinaasan nila ng P7.55 ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG at P4.25 naman sa kada litro ng autoLPG.
Ang karaniwang timbang ng regular ng LPG ay 11 kilo. Kung susumahin, aabot ng higit P80 ang imamahal ng bawat tangke.
Nasa P6.74 naman ang taas-presyo ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG.
Ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunga ng final wave ng pagtataas ng excise tax na epektibo na kahapon.
Tumaas ng piso kada litro ang gasolna abang ang diesel ay P1.50 kada litro.
Sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ay tumaas ng kabuuang P10 kada litro sa 2020 mula sa P9 noong 2019 ang excise tax ng regular at unleaded gasoline, asphalts, denatured alcohol, lubricating oils at iba pa.