BIGTIME OIL PRICE HIKE

OIL PRICE HIKE

NAKAAMBA na naman sa mga motorista ang pagtaas ng presyo ng produktong petrol­yo simula ngayong araw ng Martes na ang diesel ay magkakaroon ng dagdag na P1.00 kada litro.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Flying V, SEAOIL Philippines Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp., and Chevron Philippines Inc. (Caltex) na sila ay magtataas sa kada litro ng diesel ng P1.20, gasolina ng P0.95, at kerosene ng P0.95.

Magpapatupad naman ang Petron Gazz, PTT Philippines Corp., TOTAL Philippines Inc., Eastern Petroleum Corp., at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng magkakaparehong pagbabago ng presyo maliban sa kerosene—ang produkto na hindi nila dinadala.

Ang pagbabago ay magiging epektibo ng alas-6:00 ng umaga ngayong araw.

Ang ibang kompanya ay mag-aanunsiyo pa ng kanilang price adjustment para ngayong linggo.

Ayon sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo kada litro ng gasolina ay kasalukuyang nasa  P45.30 hanggang  P63.06 at diesel mula sa P41.70 hanggang  P51.83.

Comments are closed.