BIGTIME OIL PRICE HIKE, BINATIKOS NG TRANSPORT GROUP

OIL PRICE HIKE

BINATIKOS ng militanteng Pinag-isang Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang bigtime oil price hikes na pinatupad kahapon   na P1.80 sa diesel at P2.35  kada litro naman sa gasolina.

Ayon kay George San Mateo ng  Piston,  mala­king kalokohan ang rason ng Department of Energy (DOE) na dahil daw sa atake sa Saudi gayong hindi  naman bagong bili na stock ang krudo at gasolina na ibinebenta ng  oil companies. “Bakit nagtaas agad at naging napakalaki pa,” pahayag ni San Mateo.

Pinababasura  nito ang  Oil Deregulation law at imbestigahan ang overpricing at pagkakartel ng mga malalaking dayuhang oil companies.

“Panahon na para ipatupad ang regulasyon at unbundling sa pagtatakda ng local oil prices,”  saad ni San Mateo.

Kahapon din ng umaga  ay nagsagawa ng protesta ang  Piston  sa Cubao area sa Quezon City bilang  pagkondena sa  malaking  dagdag-­presyo nng diesel at ga­solina. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.