NAGBABADYA na namang mag¬karoon ng malakihang pagtataas sa pre-syo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Pinapayuhan na ang mga motorista na magkarga na sila ng langis bago dumating ang susunod na linggo kasunod ng pag-mamahal ng imported na petrolyo.
Narito ang tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo simula Martes: Gasolina — P1.50-P1.60 kada litro; Diesel — P1-P1.10 kada li-tro; Kerosene — P0.85-P0.95 kada litro.
Napag-alaman na sa kabuuan mula Enero, P8.95 na ang itinaas ng Diesel, P8.07 sa Gasolina at P9.21 sa Kerosene.
Comments are closed.