BIGTIME ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO SIMULA NGAYONG ARAW

IKATUTUWA ng mga motorista ang ikalimang bigtime rollback sa presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Flying V, SEAOIL Philippines Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Chevron Philippines Inc. (Caltex) na magro-rollback sila ng presyo bawat litro ng diesel ng P2.00, gasolina ng P2.30, at kerosene ng P1.85.

Magpapatupad ang Eastern Petroleum Corp., PTT Pretroleum Philippines Inc., at Phoenix Petroleum Philippines Inc. ng kaparehong pagbabago, maliban sa kerosene—produkto na hindi nila dinadala.

Sa isa pang abiso, napansin ng Petro Gazz na magbababa sila ng pres­yo bawat litro ng diesel ng P2 at gasolina ng P2.50.

Ang pagbabago ay magiging epektibo mula 6am, ngayong araw.

Mag-aanunsiyo pa ang ibang kompanya ng langis ng kanilang adjustment para ngayong linggo.

Ayon sa ipinakitang datos ng Department of Energy (DOE), ang pres­yo ng bawat litro ng diesel ay kasa-luku­yang nasa P43.55 hanggang P52.19; gasolina mula sa P47.65 hanggang P62.15, at kerosene mula  P48.77 hanggang P58.85.

Comments are closed.