CAGAYAN VALLEY-Pinagkakaguluhan ng ilang residente ang biik na baboy na may dalawang ulo sa Sto. Domingo, Echague, Isabela.
Ayon kay Mar Balauag, 30-anyos, residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela na normal ang 13 na biik na unang ipinanganak ng kanyang baboy subalit nagulat siya dahil ang ika-14 na biik ay may dalawang ulo.
Matagal nang nag-aalaga ng baboy sa isang farm sa Cabatuan, Isabela subalit ngayon lamang siya nakakita ng nasabing biik.
Sinabi pa ni Balauag na kasalukuyan pa nilang ginagamot ang biik na may dalawang ulo dahil mahina na at tumitimbang lamang ng isang kilo.
Samantala, inihayag ni Dr. Manny Galang, isang veterinarian na ang pagkakaroon ng dalawang ulo ng biik ay ang tinatawag sa veterinary medicine na Congenital anomaly. REY VELASCO
Comments are closed.