BIIK NG BINILING INAHING BABOY GUSTONG BAWIIN NG NAGBENTA

Atty kapunan

Q: MALIGAYANG pagbati po, Atty. Kapunan. Ako po si Rafael, isang tagapag-alaga ng baboy. Nais ko lang pong matanong, sa pagbili ko po ng isang inahing baboy na buntis sa kapanahunan ng aking pagbili, kasama po ba sa aking pagbili ang mga biik na siyang nasa sinapupunan pa lamang ng nanay? Pilit po kasing binabawi ng nagbenta sa akin ang mga biik na naipanganak na.

A: Salamat sa iyong katanungan, Rafael. Ang mga biik ng inahing baboy na iyong binili ay sa iyo na rin. Naaayon ito sa Civil Code na nagsasabing pagdating sa mga obligasyon at kontrata, kung saan ang bagay na napagkasunduan ay isang hayop, nararapat lamang na isama sa nasabing kasunduan ang nasa sinapupunan ng inahin.

Q: Atty. Lorna Kapunan, ako po si Beatrice, isang housewife mula sa Taguig. Attorney, nahuli ko po ang aking asawa na may kalaguyo. Matagal-tagal na rin po silang may relasyon. Nalaman ko pa po na sa tuwing nagpapaalam ang aking asawa na may conference siya sa labas ng Maynila, eh umuuwi siya sa bahay ng babae, na siya mismo ang nagbabayad. Ano po ang maaari kong ikaso sa kanila?

A: Beatrice, maaari mong kasuhan ng concubinage ang iyong asawa at pati na rin ang kanyang kalaguyo kung alam nito na kasal ang kanyang karelasyon. Base sa mga nasabi mong pangyayari, nanirahan ang iyong asawa kasama ang kanyang babae sa isang lugar kung saan ay tila namuhay sila bilang mag-asawa.

Batay sa Revised Penal Code, ang mga ginawa ng iyong asawa at ng kanyang babae ay pasok sa paglalarawan ng nasabing krimen at maaari silang maparusahan base sa kanilang mga nagawa nilang kasalanan