BULACAN- TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tatapusin nila Bike Lanes sa Pulilan-Baliwag Bypass Road at Bocaue-Santa Maria Bypass Road.
Sinabi ni Engr. Jayson Jauco, Assistant Construction Division chief ng DPWH-Region III at District 1&2 Engr. Henry Alcantara may P93.5 milyon ang inilaan para sa pagkukumpleto ng Bike Lane sa Pulilan-Baliwag Bypass Road na target matapos sa buwan ng Abril 2023.
Ang Pulilan Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) ay nag-uugnay sa Daang Maharlika sa Baliwag.
Samantala, may P200 milyon naman para makumpleto ang proyekto hanggang Disyembre ng 2023 ang Bike Lane sa Bocaue-Santa Maria Bypass Road.
Dugtong naman ito Manila North Road sa Bocaue at sa Santa Maria-San Jose Del Monte Road.
Nabatid na access road din ito sa Bocaue Station ng North-South Commuter Railway malapit sa bagong munisipyo sa Bocaue at maging sa Jonie Villanueva Medical Center, Ciudad Victoria interchange ng NLEX at sa Ciudad de Victoria Tourism Enterprise Zone (TEZ) kung saan nakatayo ang Philippine Arena. THONY ARCENAL