HATI ang isip ni Manila Mayor Isko Moreno pagdating sa paglalagay ng bike lanes sa Maynila.
Ayon sa alkalde, maaring magtalaga ang national government ng mga bike lanes sa siyudad pero kinakailangan na ipaubaya sa lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon kung saan ilalagay.
Sinabi ni Moreno na mayroon 4,000 trucks ang dumaraan sa kalsada ng Maynila araw-araw.
Sa kanyang live public address, inalala ni Moreno anģ pagkamatay ng isang babaeng doktor na sakay ng kanyang bisikleta at pauwi na ito nang madale ng isang truck na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
“Two months ago, puwede ka mag-bowling sa luwag ng kalsada, mayroon tayong doktor nag-duty nakabisikleta sinasagaan ng trak kaya hati ang puso ko sa bike lane. Mas titiisin ko pa na mahirapan kayo maglakad at sumakay para maghanap-buhay kaysa makita ko kayo na sumambulat ang utak n’yo sa kalsada,” ani Moreno.
Naniniwala si Moreno na hindi handa ang mga motorista ng pribado at pampublikong sasakyan partikular na ang trucks para sa bike lanes.
Comments are closed.