BIKE VS TRAK: 2 APO, LOLO BULAGTA

aksidente

MISAMIS ORIENTAL – HINDI na umabot pa ng buhay ang dalawang apo at kanilang lolo na dadalo sana sa kasalan makaraang salpukin ang kanilang motorsiklo ng truck sa Purok 9, Brgy. Nangka, bayan ng Villanueva kamakalawa.

Kinilala ang maglolo na sina Raymundo Pagulayan, 58, driver ng motorsiklo, Rizza Pagulayan, 8; at si Irish Bonos, 2, habang ang mga sugatan naman ay sina Nieves Ermita, 67; at Rezza Pagulayan, 20.

Ayon sa hepe ng investigation unit na si M/Sgt. Teody De Oro, sakay ng motorsiklo (KV-3838) ang mga biktima at tinatahak ang direksyon patungong Claveria City para dumalo sa kasalan nang maganap ang sakuna, pasado alas-11 ng umaga.

Lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng  motorsiklo pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway kaya sumalpok at pumailalim sa kasalubong na Mitsubishi Fuso Fighter (GHH-497).

Dead on the spot ang dalawang bata at naisugod pa sa ospital ang driver ngunit idineklarang patay. MHAR BASCO

Comments are closed.