MALABON CITY – PATAY ang isang biker matapos ma-hit and run ng isang humaharurot na drump truck sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.
Batay sa report na nakarating sa tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, ang biktima na si Christopher Villamor, 25, barker, ng Brgy. 81, Caloocan City.
Sa imbestigasyon ni PEMS Francisco Verzosa, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa MacArthur Highway, Brgy. Potrero.
Batay sa closed circuit television (CCTV) footage ng Brgy. Potrero, sakay ang biktima sa isang bisikleta habang tinatahak ang kahabaan ng naturang lugar nang mag-u-turn ito sa southbound lane.
Dito, nabangga ng isang humaharurot na kulay asul na dump truck na hindi na plakahan ang biktima na naging dahilan upang tumilapon ito sa kalsada na nagresulta ng kanyang kamatayan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas patungong Edsa ang truck na minamaneho ng hindi kilalang driver habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek na driver. EVELYN GARCIA
Comments are closed.