BIKERS SA PASIG EXEMPTED SA FACE SHIELD 

bike

EXEMPTED sa pagsusuot ng face shield ang mga biker sa Pasig City.

Ito ang inianunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng  Pasig Transport Facebook nitong Sabado.

Sa nasabing post, may ebjdensiya at lumabas din sa  consultation sa mga biker na mapanganib ang pagsusuot ng face shield habang nagbibisikleta.

“Wearing a face shield obstructs view and makes breathing difficult. Meanwhile, biking naturally isolates riders from other commuters,” ang nakalagay sa post.

Kamakailan ay nagpasya ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing mandatory  ang pagsusuot pareho ng  face mask at face shield sa lahat ng oras sa paglabas ng bahay bilang pag-iingat laban sa pagkahawa sa COVID-19.

Iniutos din ng  IATF sa  Department of Health (DOH),  Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, at iba pang ahensiya na maglabas ng  anunsiyo para sa tamang paggamit o pagsusuot ng face shields paglabas ng bahay.

4 thoughts on “BIKERS SA PASIG EXEMPTED SA FACE SHIELD ”

  1. 262309 436643I located your weblog website on google and check a couple of of your early posts. Proceed to sustain up the superb operate. I just additional up your RSS feed to my MSN Data Reader. In search of forward to reading extra from you later on! 365930

Leave a Reply

Your email address will not be published.