SI Sheena Mae Magdato Obispo mula sa Bicol University-Daraga ang nanguna sa topnotchers ng Licensure Examination for Social Workers nitong Setyembre, 2024.
Nakakuha siya ng rating na 87.00% batay sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).
Dagdag pa ng ahenya, 4,587 mula sa 7,113 ang pumasa sa Licensure Examination for Social Workers na ibinigay ng Board for Social Workers sa NCR, Baguio, Cebu at Davao.
Ang resulta ng pagsusulit para sa isang examinee ay ipinagpaliban habang hinihintay na makumpleto ang natitirang subject sa licensure examination.
Ang mga miyembro ng Board for Social Workers na nagbigay ng pagsusulit ay sina Hon. Lorna C. Gabad, Chairman; Hon. Rosetta G. Palma, Hon. Fe J. Sinsona at Hon. Ely B. Acosta, members.
Inilabas ang resulta tatlong araw matapos ang huling araw ng exam.
Simula Nobyembre 8, ang pagpaparehistro para sa pag-isyu ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration ay gagawin online.
Pumunta lamang sa www.prc.gov.ph at sundin ang mga tagubilin para sa pagpaparehistro.
Ang mga magpaparehistro ay kailangang magdala ng sumusunod: na-download na kumpletong Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal, notice of admission (for identification only), 2 pirasong passport sized pictures (colored with white background and complete name tag), 2 sets ng documentary stamps at 1 piraso ng short brown envelope.
Ang mga examinee ay kinakailangang personal na magparehistro at pumirma sa Roster of Registered Professionals.
Ang petsa at lugar para sa seremonya ng panunumpa ng mga bagong examinees ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.
RUBEN FUENTES