CAMP CRAME – SA pamamagitan ng piyansang P5,000 nakalaya na si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na tatlong araw lamang nakulong sa pasilidad ng Criminal Investigation and Detection Group dahil sa kasong estafa at large scale recruitment.
Si Advincula ang narrator ng “Ang Totoong Narcolist” video na nagsasangkot sa droga sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging kay dating SAP at senator-elect Bong Go.
Makaraang makalabas sa Philippine National Police General Hospital si Advincula umaga ng Sabado, pasado ala-1 ng hapon ay sinundo na siya ng kanyang kapatid.
Ayon sa ulat, alas-8:25 ng umaga nang ma-discharge sa ospital si Advicunla makaraang bumalik sa normal ang kanyang blood pressure.
Si Advincula ay dalawang beses na dinala sa ospital noong Biyernes makaraang tumaas ang presyon sa 130/90.
Isinailalim din ito sa medical examination bago tuluyang palabasin ng pagamutan.
Sinamahan naman siya ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa paglabas ng PNP General Hospital.
Noong Biyernes ay nakapaglagak ng piyansa ang kampo ni Advincula na P5,000 sa ilalim ng official receipt number 6208597 kaugnay sa mga kinakaharap niyang kaso na estafa at illegal recruitment sa Quezon. City.
Inatasan naman ni Presiding Judge Josephus Joannes H. Asis ng Metropolitan Trial Court Branch 40 ang CIDG na i-release na si Bikoy.
Samantala, natuklasan sa release order ni Bikoy na marami itong alyas gaya ng RB Santos, Richard Benedict Santos, at John Rafael Benedict Santos. EUNICE C.
Comments are closed.